Posts

Showing posts from November, 2022

Tatlong Villanelle Para sa Mga Supíl

Image
SUP Í L MAN NG MGA  DI-TIYAK Supíl man ng mga di-tiyak Wala mang sinta at sinaing Babangon pa rin at gagayak. Bubuhatin ang mga yabag Walang daíng na sasambitin Supí l man ng mga di-tiyak. Ang araw ba'y maglalagablab? O delubyo ang paparating? Babangon pa rin at gagayak. Sasabit sa palpak na oras. Ang pag-asa ay sisiksikin. Supí l man ng mga di-tiyak. Ang iuuwi kaya'y sapat? Baka ngayon na patalsikin? Babangon pa rin at gagayak. Para kanino ang ulirat? Hanggang kelan hindi bibitiw? Supí l man ng mga di-tiyak, Babangon pa rin at gagayak. SA IYONG KAPAGURAN Oo nga't supíl na supíl ka ng pagod. Sa umaga'y yagyag, sa pag-uwi'y gapang. Heto't nanghahalina ang aking hagod. Diwa'y lutang at lupasay ang gulugod. Espiritu'y laylay at pag á ang paypay. Oo nga't sup íl na supíl ka ng pagod. Halika na't dumapá.  Hubdin ang saplot. Hayaang humayahay sa aking kamay. Heto't nanghahalina ang aking hagod. Oo, ika'y pigá.  Ako na'ng kakayod. Nais mo ba...